Posted March 6, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Hindi lamang ang
paggawa ng quality statistics ang tanging inaasikaso ng PhilippineStatistics
Authority-Aklan kundi pati rin ang mga kalusugan ng mga bata.
Nabatid na
nagsagawa ng feeding program ang PSA-Aklan kung saan layunin nitong mapabuti
ang nutritional status ng mga kabataan.
Katuwang ang mga
miyembro ng PSA- Aklan, naisagawa ito sa anim na mga Day Care Centers ng Brgy.
Carugdog at Cogon sa bayan ng Lezo, Brgy. Calimbajan, Brgy. Tina sa Makato,
Brgy. Tambak sa New Washington, at Brgy. Cabugao sa bayan ng Altavas.
Nasa siyamnapung
mga estudyante ang napakain ng masustansyang pagkain na inihanda ng mga
miyembro ng ahensyang ito.
Ayon kay
Provincial Statistics Officer Antonet Catubuan, ang feeding na ito ay isang
paraan para maibalik din sa mga tao ang suporta at tulong na ibinigay ng
publiko sa bawat survey na ginagawa ng PSA.
Sinigurado naman
ni Catubuan na mapanatili ng PSA ang outreach program para mas lalo pang
mapalapit sa tao ang serbisyo ng gobyerno.
No comments:
Post a Comment