Posted March 8, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Ginawaran ng
award ng IWAG ang walong estudyanteng Aklanon matapos ang magandang performance
dahil sa kani- kanilang school publications.
Ang IWAG award ay
taunang ginanap na sa pamamagitan ng Philippine Information Agency sa Region 6
bilang pagbigay kilala sa mga campus paper writers na nagpakita ng galing sa
pagsusulat at namukod tangi maging sa
academic performance.
Nabatid na tatlo sa bingyan ng parangal ay mga
Graduating College students habang ang lima naman ay graduating din ng high
school.
Kinilala ang mga
college students na sila Darwin Tapayan
ng The Forum of the Northwestern Visayas Colleges, Raffe De Juan ng The Aklan
Collegian ng Aklan Catholic College at
Zeus Bryan Nicolas ng Eamigas Aklan State University – Banga campus.
Kabilang naman sa
High school Iwag Award qualifiers sila Chloe Reynaldo of Scholar’s Gazette at
Ivanne Jopert Idorot ng Pahayagang Iskolar, parehong galing sa Regional Science
High School for Region 6 at si Mary Erlyn Ricarto ng The Garcian High
estudyante ng Garcia College of Technology Tech-Voc High School.
Samantala ang iba
pang mga ginawaran ng parangal ay nanggaling sa Linabuan National High
School na kinilalang sila Mica Relor
MeƱez at Kate Lyzell Motus ng The
Viewfinder at Pagsip-eak.
Ang mga nabanggit na awardees ay bibigyan ng special
medal at citation, sa gaganaping graduation.
No comments:
Post a Comment