Posted March 6, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Nasa 400 mga tao,
na karamihan ay mga mag-aaral ang nakapag-avail ng nasabing libreng serbisyo sa
registration na ipinalabas sa iba't ibang barangay ng Ibajay, Malay, at Nabas.
Ayon kay
Provincial Statistics Officer Antonet Catubuan, ang libreng registration ay
isinagawa upang hikayatin ang mga taong walang birth certificate na makakuha ng
isang kopya sa pamamagitan ng pagrehistro ng kanilang impormasyon ng kapanganakan
sa Civil Registry Office.
Dagdag pa ni
Catubuan, ang programang ito ay bilang tugon sa pagtaas ng demand ng paghingi
ng birth certificate sa lahat ng mga transaksyon tulad ng entrance sa paaralan,
sports competition, trabaho, pagkuha ng pasaporte o ang paglabas sa ibang
bansa, at pag-claim para sa mga benepisyo o mga pautang.
Nabatid na target
ng rehistrasyon na ito sa bayan ng Ibajay ang mga mag- aaral, habang sa Nabas
at Malay naman ay para sa lahat ng mga
constituents.
Ayon pa kay
Catubuan, marami sa mga hindi nakarehistro ay nanggaling sa mga mahihirap na
pamilya na hindi kayang magbayad para sa mga gastos sa registration.
Bukod sa registration, ang PSA Aklan ay nagbibigay din ng
tulong sa mga taong may mga problema sa kanilang civil registry documents tulad
ng clerical error, pagwawasto ng kasarian o petsa ng kapanganakan, at pagbabago
ng pangalan.
Ang libreng caravan registration ay kabilang sa mga
gawain ng PSA Aklan at tanggapan ng civil registry sa pagdiriwang ng Civil
Registration Month ngayong taon.
No comments:
Post a Comment