Posted July 29, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Patuloy ang ginagawang inspekyon ng Department of Trade
and Industry (DTI) Aklan sa lahat ng Timbangan ng Bayan sa 17 munisipalidad sa
probinsya.
Ito ay sa layong maprotektahan ng ahensya ang mga
mamimili laban sa mga tindero na nanloloko sa pamamagitan ng sobra-sobrang
kilo.
Ayon naman kay Ma. Carmen Ituralde, DTI OIC Prov'l
Director, ang mga nilagay umanong
Timbangan ng Bayan sa mga public market sa bawat bayan ay ginagamit
naman umano ng mga mamimili sa maayos na kundisyon base sa mga taga bantay
nito.
Matatandaang isang memorandum of agreement ang pinirmahan
ng DTI at ng mga Local Government Unit sa probisya para sa implementasyon ng
“Timbangan ng Bayan”.
Nabatid na nakatanggap ng tig-dalawang Timbangan ang
bawat bayan sa Aklan noong nakaraang taon kung saan ito ang sagot sa hinaing o
reklamo ng mga mamimili laban sa mandarayang nagbibinta na minamanipula ang
kanilang timbangan para kumita ng mas malaki.
No comments:
Post a Comment