Posted July 27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nasa-ikatlong araw na ngayon ang ginagawang re-blocking
sa isla ng Boracay para sa mainroad construction ng BIWC sa Manoc-manoc area.
Ayon kay Malay Transportation Officer Cesar Oczon, maayos
at maganda naman ang ginawang re-blocking dahil nakakaiwas ito sa trapiko kung
saan binuksan din nila ang one-way mula
sa Lugutan area at Station 2-3 mainroad area.
Malaki din umanong tulong ang mga nilagay nilang mga signages
sa bawat lugar na mayroong re-blocking upang hindi na umano malito ang mga
driver ng mga sasakyan.
Nabatid na one-way lang ang mainroad mula sa D’mall
hanggang sa Emall station 3 gayon din sa mangrove area hanggang sa Laketown sa
Balabag.
Samantala, may mga itinalaga namang mga MAP member sa mga
kalsada sa Boracay katuwang ang mga pulis upang bantayan ang daloy ng mga
sasakyan at mahuli ang mga pasaway na mga motorista na hindi sumusunod sa
umiiral na batas trapiko.
Ang re-blocking ay inaasahang magtatapos sa ikalawang
linggo ng Agosto base sa kasuduan ng BIWC at ng LGU Malay sa kanilang pagtatapos
sa nasabing proyekto.
No comments:
Post a Comment