Posted July 27, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Pinaunlakan ng
Aklan Electric Cooperative (Akelco) ang paanyaya ng Sangguniang Bayan ng Malay
sa ginanap na 4rth regular SB session nitong Martes.
Ito’y dahil nais
malaman ng konseho kung bakit nangyayari sa bayan ng Malay lalo na sa isla ng
Boracay ang sunod-sunod na pagkawala ng suplay ng kuryente nitong mga nakaraang
araw.
Dahil dito,
ipinaliwanag mismo nina Engineer Joel Martinez at Arnaldo Parco ng Akelco sa
konseho ang dahilan ng nararanasang power interruption sa mga nasabing lugar.
Isa sa mga
itinuturong dahilan ng AKELCO dito ay ang tungkol sa transient Fault dahil
umano sa habagat, malakas na ulan o merong ahas o kung ano mang hayop na
gumagapang sa kanilang wire dahilan kaya nawawala ang suplay ng kuryente.
Isa pa umano sa
mga dahilan ay ang mga nabaling kahoy sa mga kable ng kuryente na tinatawag
nilang Sustainable Fault.
Sa kabila nito
sinabi ni Martinez na kung sakaling magkaroon ng power interruption sa bayan ng
Malay o sa isla ay nagbibigay naman sila ng power advisory.
Matatandaang
ipinatawag ang nasabing kumpanya dahil sa palagiang brown-out kung saan
nagreresulta umano ito ng pagkasira ng mga appliances at perwesyong naidudulot
sa mga negosyo sa Boracay.
Samantala,
tiniyak naman ng kooperatiba sa SB Malay na mayroon na silang nakalatag na mga
proyekto para sa posibleng ikakaayos ng suplay ng kuryente sa Malay lalo na sa
isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment