Posted July 27, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ine-reklamo
ngayon ng Director ng isang Tour Guide company sa Station 2 Balabag ang kanyang
driver matapos umanong hindi nito ini-remit ang kita ng kanilang sasakyan.
Ayon sa blotter
report ng Boracay
PNP, nakilala ang nagre-reklamo na si Jae Hwan Moon, 37-anyos, isang Korean
national at nakatira sa nasabing lugar.
Salaysay ng
biktima sa mga pulis simula umano noong June 26 hanggang July 19 ngayong taon
ay hinidi naibigay ng suspek na driver ang kita ng kanilang van na
nagkakahalaga ng mahigit P28.000.
Nabatid na hindi
na ngayong mahagilap ang suspek kung saan hindi na rin ito makontak sa kanyang
cellphone.
Dahil dito, nakatakdang
ngayong sampahan ng kaso ang suspek na driver ng kanyang amo.
No comments:
Post a Comment