Posted July 30, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ngayon pa lamang ay excited na ang mga Aklanon dahil sa
posibleng pagbisita ng mga contestants ng Miss Universe sa isla ng Boracay sa
taong 2017.
Sa panayam kay Malay Tourism Officer Felix Delos Santos,
na isa umano itong oportunidad sakaling matuloy ang pagbisita sa Boracay ng mga
naggagandahang dalaga ng Miss Universe.
Dahil dito, kailangan din umano nilang ma-meet ang
standard ng organizer ng nasabing event kung saan pagdating umano sa produkto
at serbisyo sa Boracay ay handang-handa na umano ito.
Ayon pa kay Delos Santos, handa sila sakaling matuloy ang
isa sa mga aktibidad ng Miss Universe sa isla dahil sa ilan na rin umanong mga
International event ang ginanap sa Boracay.
Una nang kinumpirma ni Tourism Secretary Wanda Teo na
gaganapin ang month long pageant sa Vigan, Davao, Cagayan de Oro, Cebu, Palawan
at Boracay.
Ito ang ikatlong beses na magaganap ang Miss Universe sa
Pilipinas- una noong 1974 na ang reigning queen ay ang ating kababayan na si
Margarita Moran at pagkatapos ay noong 1994 noong panahon ni Dayanara Torres.
Ang Miss Universe ay nakatakda isagawa sa January 30,
2017 na gagastosan ng mga private sector sa bansa.
No comments:
Post a Comment