Posted July 30, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Bagsak sa kulungan ang isang E-trike driver matapos umano
nitong tangkaing saksakin ang kaibigan sa Sitio Diniwid, Balabag, Boracay
kagabi.
Sa report ng biktima na si Jever Solis, 18-anyos sa
Boracay PNP, nilapitan umano siya ng suspek na si alyas “ARL” at tinangkang
saksakin ng kanyang hawak na kutsilyo.
Mabilis naman umano itong naawat ng biktima at sinubukang
kunin ang kutsilyo ngunit nagresulta naman ito sa pagkakaroon ng sugat sa
kanyang kamay.
Nabatid na nasa ilalim ng nakakalasing na inumin ang suspek
ng magawa nito ang pananangkang pagpatay sa biktima kung saan ito din ang
itinuturong dahilan para wakasan ang buhay ng kanyang kaibigan.
Agad namang na-aresto ang suspek ng mga pulis at ngayon
ay pansamantalang naka-kustudiya sa himpilan ng Boracay PNP Station.
No comments:
Post a Comment