Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Nanlumo na nagsumbong ang Supervisor ng isang tindahan ng
mga damit at hand printed t-shirt sa Station 2 Boracay matapos silang luoban ng
magnanakaw kaninang madaling araw.
Sumbong ng supervisor ng Happy Planet na si Blessil
Cadungog, 28-anyos sa Boracay PNP, nakatanggap umano siya ng tawag galing sa
kanilang stockman na napansin ng kanilang maintenance na nakabukas na ang pintuan
ng nasabing tindahan.
Sinabihan naman umano nito ang kanilang stockman na
hintayin sila ng I.T para matingnan ang kanilang CCTV camera.
Dito lumabas sa CCTV footage na may isa umanong lalaking
suspek na pumasok sa loob na na nakasuot ng long sleeve, nakapantalon at may
suot ding gloves habang may takip namang t-shirt ang mukha nito.
Agad naman nilang tiningnan ang cash vault ngunit
tinangay na umano ang laman nitong mahigit P15, 000 at isang Go Pro Silver
(Hero 4) camera na nagkakahalaga ng P20, 990.
Sa ngayon ay patuloy paring ini-imbestigahan ng Boracay
PNP ang nangyaring nakawan sa lugar.
No comments:
Post a Comment