Posted July
28, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Wala na umanong isasagawang extension para sa
pagpaparehistro sa Barangay at SK elections ayon sa Provincial Comelec Office
sa Aklan.
Base sa utos ng Comelec hanggang sa July 30, 2016 ng ala-5
ng hapon nalang ang pagpaparehistro sa lahat ng tanggapan nito.
Nabatid na ang puwedi lamang magpa-register sa SK ay ang
may edad 15-30 anyos, ngunit ang pwede lamang na kumandidato sa SK ay ang 18-24
anyos.
Pahayag pa ng Comelec na ang mga nakaboto na noong
nakaraang election ay hindi na kailangang magpa rehistro sa SK.
Ipinapaalam din ng Comelec sa mga nagpa rehistro noong
nakaraang taon sa SK ay dapat makapag-parehistro ulit.
Samantala, ang filing ng certificate of candidacy ay
hanggang Oktobre 3-5, 2016, campaign period sa Oct. 21-29, 2016 at ang barangay
at SK election ay hanggang sa October 31, 2016.
No comments:
Post a Comment