Posted July 27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Limang mga Police Commissioned Officers ang na-promote sa
probinsya ng Aklan sa isinagawang donning of ranks sa Regional Police Office 6
nitong nakaraang araw.
Ito ang masayang ibinalita ni PO3 Nida Gregas Chief PIO
ng Aklan PPO pagkatapos ng nasabing pag-promote sa mga pulis.
Ayon kay Gregas kabilang si Police Senior Inspector
Frenzy Andrade ng Malay PNP sa na-promote kung saan isa na siya ngayong Police
Chief Inspector, habang si Police Inspector Cyril Punzalan ay Police Senior
Inspector na ngayon ng Ibajay PNP .
Na promote din si Police Inspector Leopoldo Booc ng Lezo
PNP na ngayon ay isa ng Police Senior Inspector.
Maliban dito si Inspector Geo Colibao ng Buruanga PNP ay
isa na ngayong Police Senior Inspector, at si Police Inspector Jayson Belcenna
ng Aklan Public Safety Company ay isa na din ngayong Senior Inspector Belcenna na.
Samantala, tumaas naman ang posisyon ni Spo4 Jose
Ituralde na ngayon ay isa na siyang Police Inspector ng Lezo PNP.
Maliban sa mga ito ang mga Police Commissioned Officers
na dating na assigned sa Aklan Police na tumaas din ang posisyon mula sa Police
Inspector ngayon Police Senior Inspectors na ay sina Alyssa Sinlao dating hepe ng
Makato PNP, Jinky Lou Ramos at Jose Mark Anthony Gesulga ng Boracay Tourist
Assistance Center na ngayon ay sa Regional Police Office na assigned.
Sa kabilang banda inaantay na ngayon ang order ng mga
nagpa promote na mga Police Non Commissioned Officers ng PO2 hanggang SPO4.
No comments:
Post a Comment