Posted October 17, 2016
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Nakatakda na umanong tapusin ang “ENDO” matapos ang
isinagawang Orientation on the Elimination of Contractualization,
"ENDO" & other Prohibited Practices ng Department of Labor &
Employment (DOLE-Aklan).
Dito ipinaliwanag ni Arlyn Siaotong – OIC DOLE Aklan
Field Office ang tungkol dito kung saan may 60 na mga partispante ang dumalo
mula sa ibat-ibang pribadong establisyemento para maipaliwanag sa kanila ang
tinatawag na “ENDO” o (end of contractualization).
Nabatid kasi na madaming pribadong establisyemento ang
nagpapatupad ng 5-6 mos. contract sa kanilang
mga trabahante at pagkatapos ay paaalisin.
Pero may mga tinitingnan ding mga anggulo sa parte ng
employer kung bakit kinakailangan na paalisin ang kanilang trabahador, kung ito
ba ay may basehan o wala.
No comments:
Post a Comment