Posted October 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Nais ngayon ni SB
member Nenette Aguire-Graf na lalo pang pagtibayan ang ordinansa sa paggamit ng
videoke sa buong bayan ng Malay maging sa isla ng Boracay.
Ito ang kanyang
sinabi sa ginanap na 16th Regular Session ng Malay nitong Martes kung saan
nag-aalala umano ito sa mga taong naiistorbo dahil sa malakas na tunog ng
videoke.
Aniya, ang
paggamit ng videoke saan mang lugar mapa-bahay man o establisyemento ay dapat
hanggang alas-10 lang ng gabi.
Binanggit din
nito na mayroong mga nag-ooperate ng videoke hanggang madaling araw lalo na kung
saan madami ang kabahayan at maraming mga estudyante na maaagang natutulog na
pumapasok sa paaralan kinabukasan.
Dahil dito ang Committee
on Laws, Ordinances, Rules and Privileges naman ang siyang mangunguna para
pag-aralan ito sa pamumuni ni SB member Jupiter Gallenero.
Samantala, layun
umano sa hakbang na ito ni SB Graf ay upang maprotektahan at matulungan ang mga
tao na hindi maapektuhan ang kanilang pamumuhay dahil sa naililikhang ingay ng videoke.
No comments:
Post a Comment