Posted October 22, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Dumulog sa
tanggapan ng Boracay PNP ang management ng isang hotel sa Boracay matapos na
hindi umano sila mabayaran ng isa sa kanilang mga guest ng hotel bill.
Ayon sa Admin
Staff ng Hotel na si Arlyn Joy Grecia, 29-anyos sa Boracay PNP, nagkaroon umano
sila kahapon ng kasunuduan Oktobre 21 ng inirereklamo nito na magbabayad sa
nasabing bill ngunit bigo umano itong makipagkita sa kanya.
Dahil dito, minabuti
ng management na ireklamo ang suspek sa mga otoridad.
Nabatid na
nagkakalaga ng P54, 880 ang halaga ng bill na hindi nabayaran ng suspek matapos
itong manuluyan sa hotel.
No comments:
Post a Comment