YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, October 18, 2016

MRF sa Balabag, mini- mintina nalang ng mga Volunteers

Posted October 18, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for volunteersTanging ang mga Volunteers nalang umano ngayon ang nag-mimintina ng Material Recovery Facilities o (MRF) sa Barangay Balabag.

Ayon kay Punong Barangay Lilibeth Sacapaño, inalis na umano kasi ang mga dating nag-tatrabaho sa MRF kung kayat nawalan sila ng mga taong obligado sa operasyon nito na labis namang naging problema ng kanilang lugar.

Kaugnay nito, ipinagpasalamat din ng kapitana na ang pera mula sa nakokolektang recyclable na basura ang siya ngayong pinaghahatian ng 11 Volunteer.

Nabatid kasi na nakatakda sanang isara ang MRF sa nasabing Brgy. kung saan hiniling naman ng Balabag na sila nalang ang magmimintina nito at ipagpapatuloy ang operasyon.

Samantala, sa batas na RA 9003 nakapaloob na ang lahat ng Barangay ay obligado na magkaroon ng MRF kung kayat sinunod naman ito ng Balabag upang sakali umanong kwestyunin sila ay meron silang ma-iprepresinta.

Matatandaang umepela rin si Kapitana tungkol sa kanilang problema sa ginanap na meeting kasama si Mayor Cawaling kung saan sinabihan naman nito Engr. Arnold Solano ng Solid Waste Management na sana ay mabigyan sila ng budget sa susunod na taon.

No comments:

Post a Comment