Posted October 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Pinangunahan ng Malay
PNP, Boracay PNP, Aklan Public Provincial Public Safety Company (SWAT) at Maritime Group ang pagsagawa ng buy-bust
operation sa Sitio Malabunot, Barangay Manoc-manoc, Boracay kung saan naaresto
at nakilala ang suspek na si Ramil Licerio y Balderama alyas “Edong” 38-anyos,
may asawa at residente ng naturang lugar.
Nakumpiska sa posisyon
ng suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu na may kapalit na P1,000 marked
money.
Maliban dito, nakuhaan
pa ng tatlong sachet ng ipinagbabawal na droga ang suspek.
Samantala,
pansamantalang nakapiit ang suspek sa istasyon ng Boracay PNP at nakatakdang sampahan
ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act
of 2002.
No comments:
Post a Comment