October 22, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Naghigpit ng
seguridad ang Aklan Police Provincial Office (APPO) dahil kasalukuyang nasa
probinsya ang ilang kandidata ng Ms Earth 2016.
Ito ay para sa
kanilang environmental activity na gagawin sa bayan ng Kalibo kasama na ang
swimsuit competition sa isla ng Boracay at ang pagsali sa Merrymaking sa
Opening Salvo ng Ati-Atihan Festival ngayong Biyernes.
Dahil dito
ipinag-utos ng APPO sa mga municipal police station na maghipit ng seguridad
para sa mga kandidata na mula pa sa ibat-ibang bansa.
Nabatid na noong
nakaraang taon ay sa Boracay din ginanap ang swimsuit competition ng Ms Earth
kasabay ng kanilang coastal clean-up sa baybayin ng isla.
No comments:
Post a Comment