YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, October 18, 2016

Tourist arrival sa Boracay bahagyang bumaba sa 3rd quarter ng taon-Mtour

Posted October 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Boracay touristBahagya umanong bumaba ang tourist arrival sa isla ng Boracay sa 3rd quarter ng taong ito base sa datos ng Municipal Tourism Office (Mtour) Malay.

Ayon kay Chief Tourism Operations Officer Felix Delos Santos, isa umano sa dahilan ng pagbaba ng tourist arrival sa isla ay dahil sa ibat-ibang national issues na kinakaharap ngayon ng Pilipinas kung saan naging epekto din ito maging sa ibang bansa.

Nabatid kasi na ang pag-baba ng tourist arrival ay dahil sa mga cancellation of bookings ganon din sa ibang lugar sa bansa kung saan karamihan sa mga ito ay Chinese national na siyang nangungunang tourist arrival sa isla na ngayon ay nasa pangalawang puwesto na lamang.

Base sa statistic data ng Mtour lumalabas na tumaas lang ng 1 percent ang tourist arrival sa buwan ng Setyembre ngayong 2016 kumpara noong 2015 habang nitong Agosto ay bumaba naman ng limang porsyento sa kaparehong quarter.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Executive Assistant IV Rowen Aguirre na masyado pang maaga para sabihin na apektado ang Boracay sa mga nangyayari sa bansa maliban na lamang kung ito ay nagpapakita ng patuloy na pagbaba ng arrival lalo na ngayon at malapit na rin ang tinatawag na peak at super peak season sa isla.

Samantala, umaabot na ngayon sa 1.3 Million ang naitatalang tourist arrival ng Boracay simula noong Enero hanggang nitong Setyembre kung saan tiwala naman umano ang Mtour na maaabot nila ang kanilang target na 1.7 Million tourist arrival para sa taong ito.

No comments:

Post a Comment