Pages

Monday, October 17, 2016

"ENDO" nakatakda ng tapusin ng DOLE

Posted October 17, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for doleNakatakda na umanong tapusin ang “ENDO” matapos ang isinagawang Orientation on the Elimination of Contractualization, "ENDO" & other Prohibited Practices ng Department of Labor & Employment (DOLE-Aklan).

Dito ipinaliwanag ni Arlyn Siaotong – OIC DOLE Aklan Field Office ang tungkol dito kung saan may 60 na mga partispante ang dumalo mula sa ibat-ibang pribadong establisyemento para maipaliwanag sa kanila ang tinatawag na “ENDO” o (end of contractualization).

Nabatid kasi na madaming pribadong establisyemento ang nagpapatupad ng 5-6 mos. contract sa kanilang mga trabahante at pagkatapos ay paaalisin.

Pero may mga tinitingnan ding mga anggulo sa parte ng employer kung bakit kinakailangan na paalisin ang kanilang trabahador, kung ito ba ay may basehan o wala.

Sa ngayon layun ng DOLE na ipaintindi sa mga employers na kailangan ng tapusin ang  contractualization na sila mismo ang magpatupad kesa ang DOLE pa ang magbaba ng kautusan o makitaan sila ng paglabag sa batas.

No comments:

Post a Comment