Posted October 18, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Inereklamo ng
isang lalaki ang tatlong Barangay Auxiliary Police sa Boracay PNP matapos itong
mabiktima ng pangungutong kahapon sa Barangay Manoc-manoc, Boracay.
Sa report
nakilala ang nagrereklamo na si Silva Condrado, 44-anyos residente ng Sitio
Tulubhan, Brgy. Manoc-manoc.
Sa salaysay ng
biktima sa mga pulis, ipinarking niya ang kanyang motor sa gilid ng Diving Shop
sa lugar ngunit sa pagbalik nito ay laking gulat nalang ng tinikitan siya
ng tatlong Barangay Auxiliary Police/Brgy. Tanod ng P2, 500.
Samantala, ng
binigay niya na ang pera sa mga ito ay wala manlang umanong inisyong resibo at
kung anong ordinansa ang kanyang linabag.
Dahil dito,
minabuti niyang ireport sa otoridad ang ganitong problema ng sa gayon ay hindi
na umano maulit ang ganitong gawain na makaka-apekto sa turismo sa isla ng
Boracay.
No comments:
Post a Comment