Pages

Friday, October 21, 2016

Paggamit ng videoke sa bayan ng Malay lilimitahan sa oras

Posted October 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Nais ngayon ni SB member Nenette Aguire-Graf na lalo pang pagtibayan ang ordinansa sa paggamit ng videoke sa buong bayan ng Malay maging sa isla ng Boracay.  

Ito ang kanyang sinabi sa ginanap na 16th Regular Session ng Malay nitong Martes kung saan nag-aalala umano ito sa mga taong naiistorbo dahil sa malakas na tunog ng videoke.

Aniya, ang paggamit ng videoke saan mang lugar mapa-bahay man o establisyemento ay dapat hanggang alas-10 lang ng gabi.  

Binanggit din nito na mayroong mga nag-ooperate ng videoke hanggang madaling araw lalo na kung saan madami ang kabahayan at maraming mga estudyante na maaagang natutulog na pumapasok sa paaralan kinabukasan.  

Dahil dito ang Committee on Laws, Ordinances, Rules and Privileges naman ang siyang mangunguna para pag-aralan ito sa pamumuni ni SB member Jupiter Gallenero.

Samantala, layun umano sa hakbang na ito ni SB Graf ay upang maprotektahan at matulungan ang mga tao na hindi maapektuhan ang kanilang pamumuhay dahil sa naililikhang ingay ng videoke.

No comments:

Post a Comment