Posted September 22, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Plano ngayong gamitin sa pagbili ng Sea Ambulance ang
budget ng trust fund.
Sa naganap kasi na sesyon nitong Martes tinanong ni SB
Danilo Delo Santos kung merong Sea Ambulance ang Boracay kung saan sinagot
naman ito ni Rowen Aguirre Executive Assistant IV/MDRRMO Boracay na walang Sea
ambulance ang LGU.
Kaya naman sa kanilang naging committee hearing tungkol
sa supplemental budget nais nilang kunin ang pagbili ng Sea Ambulance sa trust
fund.
Subali’t sinagot naman ito ni SB Gallenero na meron umano
silang ipapaayos na speed boat pero dahil umano sa request ni Delo Santos na
magkaroon nito ay isasama nalang ang pagbili nito sa kanilang annual budget.
Samantala, sinabi naman ni Vice Mayor Abram Sualog na magpadala
nalang ng request ang Office of the Mayor sa susunod na sesyon upang mapag-aralan
at maaksyunan itong pagbili ng Sea Ambulance sa Boracay.
Sa kabila nito, pino-proseso narin ng bagong ahensya na
magkaroon ng Radio Communication o Hand Held Radio ito’y upang mapadali ang
pagkontak sa mga rescue operators hindi lang sa mga insedente, pati na sa mga
kalamidad na pwedeng mangyari.
No comments:
Post a Comment