Posted September 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ito ang
nakapaloob sa Memorandum Order No. 2016-42 ng
LGU Malay sa Transportation Office kung saan nag-uutos ito na suspendehin
ang transport o permit to operate ng mga single motorcycle sa isla na epektibong
ipinatupad nitong Biyernes.
Ang suspensyong
ito ay may kinalaman sa dumaraming bilang ng motorsiklo sa isla kung saan
laganap na rin ang mga illegal na nag-ooperate ng motorsiklo.
Kaya naman
panawagan ng LGU Malay na huwag muna silang bumili ng motorsiklo na dadalhin sa
Boracay dahil sa ngayon ay hindi pa sila makakapagbigay ng permit.
Samantala, kung
sakaling maaktuhan naman ang mga driver ng motorsiklo na walang permit to
transport ang kanilang motor na inisyu ng MTO ay huhulihin ang mga ito ng MAP
at bibigyan ng kaukulang penalidad.
No comments:
Post a Comment