Posted September 19, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi parin matukoy ng Ibajay Municipal Police Station kung
sino ang responsable sa nakabangga sa tatlong bata nitong nakaraang gabi sa
Naisud Ibajay, Aklan.
Dahil dito nananawagan ang mga pulis sa posibleng
makakapagturo sa suspek na responsable sa aksidente na kung saan isa dito ang
patay at dalawa ang nasa malubhang kundisyon.
Nabatid mula sa Ibajay PNP na naglalakad raw ang tatlong
bata pauwi sa kanilang bahay bandang alas 10 ng gabi nang mabangga ng isang
Rusco type na sasakyan na mabilis ring tumakas.
Masuwerte naman umanong nakuha ang plate number ng
sasakayan matapos na sinundan ito ng mga kalalakihan gamit ang motor ngunit
hindi na nakuhang maipatigil.
Ang biktimang si John Rex Baliguat 10 anyos ay idiniklarang
dead on arrival nang isugod sa hospital habang nasa malubhang kundisyon parin
ngayon si Christian Jake Baliguat 14-anyos at Abe Taladtad 10 anyos na taga Sitio Atazon
Naisud Ibajay Aklan.
Samantala, kung sino man umano sa nakakaalam ng plate
number ng sasakyan na YCX 944 na siyang nakabangga sa mga bata ay agad na
ireport sa Ibajay PNP Station.
No comments:
Post a Comment