Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Pinamamadali na
ngayon ang napagkasunudan na pagkakaroon ng “Hotline” na ilagay sa opisina ng
Municipal Disaster Risk Reduction Office o MDRRMO Malay.
Ito’y patungkol parin
sa pag-rescue ng mga local responders na kinabibilangan ng Boracay Action Group
(BAG)/ Boracay Fire Rescue and Ambulance Volunteers (BFRAV) at MDRRMO para sa
mga nangangailangan ng kanilang tulong sa isla.
Sa ginanap na SB sesyon
kahapon, naging bisita sina Rowen Aguirre Executive Assistant IV/MDRRMO
Boracay, Consultant Adviser Leonard Tirol ng BAG at MDRRMO Malay Catherine
Fulgencio kung saan nagpresinta sila ng mga numero na tatawagan sa oras na
merong itatawid na pasyente na dadalhin sa ospital ng Kalibo o Iloilo.
Nabatid na ang
unang tatawagan na responders dito sa Boracay ay BAG na may numerong 288-2338
sumunod ang MDRRMO Malay na may 288-8853 at cellphone number na 0919-851-4102 para
sa ambulansya o medical assistance sa pasyente.
Samantala kung
magkakaroon na ng “Hotline” ay puwede ng tawagan ang lahat ng mga rescue
operators upang mapadali ang pagrespondi sa oras na may mangyaring insidente sa
Boracay.
No comments:
Post a Comment