Posted September 19, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Kasado na ang
isasagawang meeting bukas ng Municipal Social Welfare Development Office
(MSWDO) Malay para sa mga Badjao
na namamalimos sa Boracay.
Ayon kay
Magdalena Prado, Municipal Social Welfare Officer, nais nito na dumalo ang mga Law enforcers sa
isla upang mapag-usapan ang iba pang aksyon na nararapat para sa mga Badjao na pauli-ulit na bumabalik sa isla
dahil sa kanilang pamamalimos na masakit tingnan sa mga mata ng mga turista.
Nabatid na ang
mga ito ay makikita tuwing umaga sa gilid ng mga kalsada kasama ang kanilang
mga maliliit na anak na ginagamit din para mamalimos habang ang iba ay makikita
naman tuwing gabi sa front beach area.
Matatandaan na
nitong nakalipas na buwan ay nagsagawa din ng operasyon ang MSWDO ngunit muli
na namang bumalik ang mga ito matapos na pauwiin sa kani-kanilang mga lugar.
No comments:
Post a Comment