Pages

Thursday, September 22, 2016

Pagbili ng bagong Sea Ambulance, planong kunin sa Trust Fund

Posted September 22, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for sea ambulance
Plano ngayong gamitin sa pagbili ng Sea Ambulance ang budget ng trust fund.

Sa naganap kasi na sesyon nitong Martes tinanong ni SB Danilo Delo Santos kung merong Sea Ambulance ang Boracay kung saan sinagot naman ito ni Rowen Aguirre Executive Assistant IV/MDRRMO Boracay na walang Sea ambulance ang LGU.

Kaya naman sa kanilang naging committee hearing tungkol sa supplemental budget nais nilang kunin ang pagbili ng Sea Ambulance sa trust fund.

Subali’t sinagot naman ito ni SB Gallenero na meron umano silang ipapaayos na speed boat pero dahil umano sa request ni Delo Santos na magkaroon nito ay isasama nalang ang pagbili nito sa kanilang annual budget.

Samantala, sinabi naman ni Vice Mayor Abram Sualog na magpadala nalang ng request ang Office of the Mayor sa susunod na sesyon upang mapag-aralan at maaksyunan itong pagbili ng Sea Ambulance sa Boracay.

Sa kabila nito, pino-proseso narin ng bagong ahensya na magkaroon ng Radio Communication o Hand Held Radio ito’y upang mapadali ang pagkontak sa mga rescue operators hindi lang sa mga insedente, pati na sa mga kalamidad na pwedeng mangyari.

No comments:

Post a Comment