YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 19, 2016

NAPOCACIA nakipagpulong na sa Aklan Government

Posted September 19, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagharap na nitong nakaraang linggo ang Aklan Provincial Government at ang NAPOCACIA (Nalook, Pook, Caano at Estancia) na mga apektadong barangay para sa full development ng Kalibo International Airport (KIA).

Ito mismo ay pinangunahan ni Aklan Gov. Florencio Miraflores at Vice Governor Boy Quimpo kasama ang Department of Transportation (DOTr) sa SP Session.  

Dinaluhan din ito ng lahat ng miyembro ng NAPOCACIA na siyang apektado ng full development project ng KIA kung saan isang expansion ng nasabing paliparan ang gagawin ng gobyerno.

Sa nasabing full development project meeting napag-usapan dito ang mga pagbabago na mangyayari sa nasabing paliparan lalo na ang maibibigay na tulong sa mga apektadong land owners sa paligid ng Airport.

Nabatid na nabuo ang NAPOCACIA dahil sa mahigpit ng mga itong pagtutol sa expansion ng paliparan dahil sa maliit lamang umano ang ipinangakong bayad sa kanila.

Samantala, ayon sa KIA ang mangyayari umano sa paliparang ito ay magiging kahalintulad sa Davao International Airport o Puerto Princesa sa Palawan na itinuturing na magagandang paliparan sa bansa at kumpleto sa pasilidad. 

No comments:

Post a Comment