Posted September 21, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi na pinaabot ng umaga ang pag-rescue ng Municipal
Social Welfare and Development (MSWDO) at ng Boracay PNP ang pag-rescue sa mga
Badjao at Ita sa isla.
Nagsimulang sagipin ang mga ito kaninang alas-2 ng
madaling araw mula sa kanilang tinutulugan sa mga gilid ng kalsada kasama na
ang sa beach area at Bolabog beach.
Sinagip ang mga ito sa pangunguna ni Magdalena Prado, Municipal Social Welfare Officer kasama ang kanyang grupo mga taga Baranggay, MAP at Boracay PNP para sa tinatawag na “Oplan Sagip.”
Ayon kay Prado nasa kabuuang 31 Badjao ang kanilang
nasagip na kinabibilangan ng 11 pamilya kung saan 17 dito ang nasa wastong edad
at 14 naman ang mga bata.
Maliban dito nasa dalawang pamilya naman ng Ita ang
kanilang na-rescue at tatlong mga bata na walang mga magulang habang dalawa ang
native mula sa Iloilo.
Matapos ang pag-rescue ay dinala naman ang mga ito sa
Crisis Intervention Unit sa Argao sa bayan ng Malay bago sila iuuwi sa
kani-kanilang mga lugar.
Ang mga nasabing Badjao ay nagmula pa umano sa Zamboanga
City kung saan dito sila napadpad sa Boracay para mamalimos na kadalasang
nakikita sa beach front at sa mga kalsada.
Samantala, ang “Oplan Sagip” ng MSWDO at ng Boracay PNP
ay magapatuloy parin hanggang sa maubos na ang mga ito sa isla.
No comments:
Post a Comment