Posted September 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi lang doble kundi triple umano ang gagawing
pagbabantay sa seguridad sa pagdaong ng MS Legend of the Seas sa isla ng
Boracay ngayong Sabado.
Ito ay ang ika-ilang beses ng pagdaong ng nasabing barko
sa Boracay na may sakay na pasaherong tinatayang aabot sa dalawang libong
turista mula sa ibat-ibang bansa.
Ang Legend of the Seas ay hawak ng kumpanyang Caribbean
Cruise Ship habang hawak naman ng Wallem Philippines ang tour nito sa
Pilipinas.
Kaugnay nito lalo ngayong maghihigpit ng seguridad ang
mga otoridad sa isla sa pangunguna ng Boracay PNP, Philippine Coastguard at ang
Maritime Police.
Layun umano ng mga otoridad na maging ligtas ang mga
sakay na pasahero nito kung saan ang paghihigpit umano ngayon ng mga ito ay
dahil na rin sa umiiral na state of lawless violence na idiniklara ni Pangulong
Duterte.
Samantala, kasado na rin ang mga lugar na pupuntahan ng
mga sakay nito sa isla na inorganisa ng Jetty Port Administration.
No comments:
Post a Comment