Posted September 19, 2016
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Nagharap na
nitong nakaraang linggo ang Aklan Provincial Government at ang NAPOCACIA
(Nalook, Pook, Caano at Estancia) na mga apektadong barangay para sa full
development ng Kalibo International Airport (KIA).
Ito mismo ay
pinangunahan ni Aklan Gov. Florencio Miraflores at Vice Governor Boy Quimpo
kasama ang Department of Transportation (DOTr) sa SP Session.
Dinaluhan din ito
ng lahat ng miyembro ng NAPOCACIA na siyang apektado ng full development
project ng KIA kung saan isang expansion ng nasabing paliparan ang gagawin ng
gobyerno.
Sa nasabing full
development project meeting napag-usapan dito ang mga pagbabago na mangyayari
sa nasabing paliparan lalo na ang maibibigay na tulong sa mga apektadong land
owners sa paligid ng Airport.
Nabatid na nabuo
ang NAPOCACIA dahil sa mahigpit ng mga itong pagtutol sa expansion ng paliparan
dahil sa maliit lamang umano ang ipinangakong bayad sa kanila.
Samantala, ayon
sa KIA ang mangyayari umano sa paliparang ito ay magiging kahalintulad sa Davao
International Airport o Puerto Princesa sa Palawan na itinuturing na
magagandang paliparan sa bansa at kumpleto sa pasilidad.
No comments:
Post a Comment