Pages

Wednesday, September 21, 2016

Hotline ng mga responders sa isla pinamamadali na

Posted September 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Pinamamadali na ngayon ang napagkasunudan na pagkakaroon ng “Hotline” na ilagay sa opisina ng Municipal Disaster Risk Reduction Office o MDRRMO Malay. 

Ito’y patungkol parin sa pag-rescue ng mga local responders na kinabibilangan ng Boracay Action Group (BAG)/ Boracay Fire Rescue and Ambulance Volunteers (BFRAV) at MDRRMO para sa mga nangangailangan ng kanilang tulong sa isla.

Sa ginanap na SB sesyon kahapon, naging bisita sina Rowen Aguirre Executive Assistant IV/MDRRMO Boracay, Consultant Adviser Leonard Tirol ng BAG at MDRRMO Malay Catherine Fulgencio kung saan nagpresinta sila ng mga numero na tatawagan sa oras na merong itatawid na pasyente na dadalhin sa ospital ng Kalibo o Iloilo.

Nabatid na ang unang tatawagan na responders dito sa Boracay ay BAG na may numerong 288-2338 sumunod ang MDRRMO Malay na may 288-8853 at cellphone number na 0919-851-4102 para sa ambulansya o medical assistance sa pasyente.

Samantala kung magkakaroon na ng “Hotline” ay puwede ng tawagan ang lahat ng mga rescue operators upang mapadali ang pagrespondi sa oras na may mangyaring insidente sa Boracay.

No comments:

Post a Comment