Posted June 7, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Apat na Red Orchid awards ang nakuha ng probinsya ng
Aklan sa awarding ceremony na ginanap noong Mayo 31 sa Sarabia Manor Hotel sa
Iloilo City kasabay ng selebrasyon ng World No Tobacco Day.
Ito ay dahil sa pagiging “smoke free” ng kanilang lugar
sa loob ng isang taon kung saan ito ang naging batayan para makilala bilang mga awardees.
Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon, Jr., provincial health
officer I, muling binigyan ng parangal sa pangalawang pagkakataon ang Dr.
Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital (DRSTMH), Philippine Health Insurance
Corporation (Philhealth) at ang bayan ng Buruanga.
Maliban dito nakatanggap din umano ang bayan ng Ibajay ng
naturang parangal sa unang pagkakataon.
Dagdag pa ni Cuachon, kailangan umanong panatilihin ng mga
awardees na maging smoke free ang kanilang lugar at sundin ang mga polisiya na
ipinapatupad ng Department of Health (DOH) para rito upang makamit ang pagiging
hall of Famer para sa 2016.
Samantala, Tinanggap umano ng mga Aklanon ang nasabing
mga pagkakilala mula sa ibat-ibang probinsya sa Western Visayas.
No comments:
Post a Comment