Posted June 11, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Lumabas na nitong Hunyo 6, 2016 ang mandato ng CAAP
national na nag-uutos nai-relive sa puwesto si Kalibo International Airport
Manager Martin Teri dahil sa multimillion peso terminal scam.
Ayon kay Deputy Director General Rodante Joya, epektibo sa
Hunyo 16 ay pormal ng ire-relieve si Teri habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon
kay Josephine Repiedad na siyang regular na empleyado na nasa ilalim ngayon ng
imbestigasyon ng CAAP Manila habang ililipat naman si Teri sa San Jose Airport
sa Antique na papalitan ni Rafael Tatlonghari.
Samantala, ipinasiguro naman ni Joya na mananagot si Teri
sa mga posibling administrative at criminal case kung mapapatunayang sangkot
siya sa nasabing anomaliya.
Matatandaang nauna ng na-terminate ang 11 mga contractual
employees dahil sa partisipasyon ng mga ito matapos na madiskubrehan ang
mahigit 50 million pesos na income ng nasabing paliparan.
No comments:
Post a Comment