Posted June 6, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Naaalarma ngayon ang Provincial Health Office (PHO) sa
pagtaas ng kaso ng pagpapakamatay sa probinsya ng Aklan ngayong taon.
Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon, Jr., provincial health
officer I, sampu ang kanilang naitalang kaso ng pagpapakamatay simula nitong
Enero hanggang Mayo kung saan pito rito ay mula sa bayan ng Batan habang ang
tatlo ay sa bayan ng Nabas, Malinao, at Malay partikular sa isla ng Boracay.
Sinabi nito na base sa 2014 World Health Organization
Global Report, karamihan sa mga nagpapakamatay ay nasa edad 15-21 anyos na
nakakaranas ng mental illness kagaya ng nervous breakdown, bipolar disorder, depresyon;
gayon din ang ibat-ibang klase ng trauma lalo na ang sexual abuse, at cyber
bullying sa social media.
Maliban dito, nagiging sanhi din umano ng pagpapakamatay
ang drug addiction at eating disorder kabilang na ang problema sa pamilya,
karelasyon, pera, cancer, HIV/AIDS at severe depression.
Samantala, nag-paalala si Cuachon na kung may maririnig umano
silang may nagtatangkang magpapakamatay
ay dapat umano nila itong seryosohin sapagkat ito umano ay isang indikasyon na
posible niyang wakasan ang kanyang buhay.
No comments:
Post a Comment