Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Isang babae ang
dumulog sa himpilan ng pulisya upang isumbong ang nangyaring nakawan sa kanyang
tinutuluyang boarding house sa Sitio, Angol Brgy. Manoc-manoc Boracay.
Sa report ng Boracay
PNP, nakilala ang biktimang si Angeline Idala, 25-anyos na nagtratrabaho bilang
isang service crew at residente ng Libacao, Aklan habang bigo namang matukoy
ang suspek na nakasuot umano ng pulang jersey, nakasinturon at kayumanggi ang
kulay.
Sumbong ng
biktima, nagising nalang umano siya na may isa ng lalaki sa kanyang harapan at
wala ng suot pang-ilalim dahilan para agad niya itong itulak papalayo, sabay
mabilis na tumayo para sana paandarin ang ilaw ngunit, pinigilan siya ng suspek
at mabilis na tumakas papalayo.
Samantala, ng
makaalis na ang suspek ay dito napansin ng biktima na nawawala na ang kanyang wallet
na naglalaman ng pera.
Sa ngayon, patuloy
naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis ng Boracay PNP.
No comments:
Post a Comment