Posted June 7, 2016
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Lumutang ngayon ang balita na isang malaki at kilalang
kumpanya sa bansa ang nagbabalak na
palagyan ng tulay ang isla ng Boracay na mag-kokonekta sa mainland
Malay.
Ito ay may taas umanong 1.9-kilometer habang ang pondo ay
tinatayang aabot sa P4.6 billion.
Nabatid na ang connectivity project umanong ito ay para
sa kaganihawaan ng mga turista kung saan maaari umano ang mga itong manuluyan
sa Caticlan at e-enjoy lamang ang view ng Boracay upang makaiwas sa sikip at
problema sa mga sewerage.
Ang pahayag namang ito ay nag-resulta ng ibat-ibang
reaksyon mula sa publiko lalo na sa mga taga-Boracay kung saan ang ilan ay
pabor rito at ang ilan naman ay tila tutol sa pinaplanong proyekto.
Maalalang napag-usapan na noong nakaraang taon sa SB
Session ng Malay ang pagpapatayo ng tulay sa Boracay ng isa ring malaking
kumpanya mula naman sa ibang bansa.
No comments:
Post a Comment