Posted June 10, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Limang araw pang mananatili ang mga election officer na natalaga
sa ibat-ibang bayan sa Aklan matapos itong palawigin ni Comelec Chairman Andres
Bautista hanggang sa Hunyo 15.
Ito ang sinabi ni Chrispin Raymund Gerardo na natalaga sa
bayan ng Malay bilang Comelec Officer II at kasalukuyang Provincial Information
Officer.
Nabatid na dapat nitong Miyerkules pa Hunyo 8 ang kanilang
huling araw sa kanilang naitalagang lugar ngunit naantala ito dahil sa dami
pang kailangang iproseso kagaya na lamang ng pag-sumite ng Statement of
Contributions and Expenses (SOCE) ng mga tumakbong kandidato nitong eleksyon.
Matatandaang ilang linggo bago ang halalan ay inilipat na
sa ibat-ibang Comelec Office sa probinsya ang mga Officer base sa kauutusan ng
Comelec para rito.
Samantala, nitong Hunyo 8 rin nagtapos ang Comelec Gun
Ban sa buong bansa na nagsimula noong Enero 10, 2016.
No comments:
Post a Comment