Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos ireklamo
ng turista habang nasa loob ng bar matapos itong bumagsak sa kanyang likod dahil
sa kalasingan.
Nakilala ang biktima na si Margaret Acero 23-anyos, isang
Doktor at residente ng Makati City habang pansamantalang nanunuluyan sa isang
hotel sa Brgy.Balabag, Boracay.
Sa report ng Boracay PNP, naka-upo umano ang biktima at
ang kanyang mga kaibigan sa loob ng bar ng biglang bumagsak sa kanyang likuran
ang suspek na si Jason Talio dahilan para magtamo itong sugat ang kanyang baba,
ulo at likod.
Nabatid, na lasing na lasing ang suspek ng mangyari ang insedente
kung saan imbes na humingi ito ng tawad sa biktima ay tinawanan niya pa ito.
Sa ngayon, sa kulungan bumagsak ang suspek matapos siyang
ipaaresto ng biktima sa mga pulis ng Boracay PNP.
No comments:
Post a Comment