Pages

Tuesday, June 07, 2016

Probinsya ng Aklan muling pinarangalan ng Red Orchid award

Posted June 7, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Apat na Red Orchid awards ang nakuha ng probinsya ng Aklan sa awarding ceremony na ginanap noong Mayo 31 sa Sarabia Manor Hotel sa Iloilo City kasabay ng selebrasyon ng World No Tobacco Day. 

Ito ay dahil sa pagiging “smoke free” ng kanilang lugar sa loob ng isang taon kung saan ito ang naging batayan  para makilala bilang mga awardees.

Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon, Jr., provincial health officer I, muling binigyan ng parangal sa pangalawang pagkakataon ang Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital (DRSTMH), Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) at ang bayan ng Buruanga.

Maliban dito nakatanggap din umano ang bayan ng Ibajay ng naturang parangal sa unang pagkakataon.

Dagdag pa ni Cuachon, kailangan umanong panatilihin ng mga awardees na maging smoke free ang kanilang lugar at sundin ang mga polisiya na ipinapatupad ng Department of Health (DOH) para rito upang makamit ang pagiging hall of Famer para sa 2016.  

Samantala, Tinanggap umano ng mga Aklanon ang nasabing mga pagkakilala mula sa ibat-ibang probinsya sa Western Visayas.      

No comments:

Post a Comment