Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Ito ang sinabi ni Aklan Schools Division Superentindent Dr. Jesse Gomez sa himpilang ito para sa preparasyon ng DepEd ngayong pasukan.
Ayon kay Gomez, simula umano Kinder Garten hanggang Grade 10 ay maayos ang kanilang paghahanda lalo na sa Senior High School sa kanilang gagamiting schoolbuildings para rito.
Nabatid na 287 ang kanilang ipapatayong silid aralan
ngunit 20 umano sa mga ito ay baka hindi maihabol ngayong pasukan dahil sa
patuloy parin ang ginagawang construction.
Sinabi din nito na sa pagdating sa mga pangangailangan sa
paaralan katulad ng mga pagpapa-ayos ng silid aralan at iba pang kagamitan ay
mayroon umano silang tinatawaga na Enhanced Basic Education Information System (EBEIS) kung saan dito naka-encode ang pangangailangan ng isang paaralan.
-
-
Samantala, naging matagumpay naman umano ang ginawang
Brigada Eskwela sa buong paaralan sa Aklan kung saan madaming mga private
stakeholders at idibidwal ang tumulong para sa paglilinis sa mga paaralan.
No comments:
Post a Comment