Posted May 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Image by. Abante.com |
Pinaghahandaan na ng Municipal Health Office (MHO) Malay ang
mga sakit na posibleng maranasan ngayong pagpasok ng panahon ng tag-ulan.
Ayon kay MHO Nurse II Arbie Aspiras, ang dengue umano ang
siyang pangunahin nilang binibigyan ng prayoridad kung saan ang Malay ang
siyang isa sa mga bayan sa Aklan na nakakakuha ng mataas na kaso ng naturang
sakit.
Maliban dito pinaalalahan din ni Aspiras ang publiko na
mag-ingat sa pagbabasa o paglusong sa tubig baha para maiwasan ang mga sakit na kagaya ng sipon, ubo at
lagnat lalo na ang sakit na nagmumula sa ihe ng daga.
Nabatid na mayat-maya na ang nararanasang kalat-kalat na
pag-ulan na bumubuhos sa ibat-ibang lugar sa bansa hudyat na papasok na ang
panahon ng tag-ulan.
Samantala, pinayuhan pa nito ang publiko na agad
magpakunsulta sa Health Center o sa malalapit na pagamutan sa kanilang lugar
sakaling makaramdam ng hindi kaaya-aya sa kanilang katawan.
No comments:
Post a Comment