Posted May 17, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito’y bilang paghahanda na rin sa panahon ng tag-ulan na
posibleng maranasan sa mga susunod na buwan.
Dahil dito ang Manoc-Manoc area sa station 3 Boracay ay
malapit ng makumpleto ang ginagawang drainage system partikular sa mga lugar
kung saan kadalasang binabaha tuwing malakas ang ulan.
Nabatid na ang proyektong ito ay pinamunuan ni
Manoc-Manoc Brgy. Captain at Liga President Abram Saulog na ngayon ay isa ng
Vice-mayor ng Malay matapos manalo sa kakatapos na halalan.
Napag-alaman na ang kadalasang pagbaha sa isla ay dahil
sa kawalan ng drainage system sa ibang lugar na kinakainis naman ng mga
motorista.
No comments:
Post a Comment