YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, May 16, 2016

Turista ninakawan habang naliligo sa dagat sa Boracay

Posted May 16, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for ninakawanIsa na namang kaso ng pagnanakaw ang naitala ng Boracay PNP sa beach area ng isla.

Ito’y makaraang isang turista ang nagsumbong sa kanilang himpilan matapos na mabiktima ng kawatan habang naliligo sa dagat sa station 1 Boracay.

Sumbong ng biktima na si Robby Ann Recla 38-anyos sa mga pulis, iniwan niya umano ang kanyang bag sa buhangin saka naligo sa dagat kasama ang kaibigan.

Ngunit ng umahon na umano ng mga ito ay hindi na nila makita ang nasabing bag kung saan nakakalat na rin sa puting buhangin ang ilan sa mga laman nito.

Nabatid na naglalaman ang naturang bag ng cellphone mga importanteng I.D at cash na nag-kakahalaga ng mahigit sa P9, 000.

Sa ngayon patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Boracay PNP hinggil sa nasabing insidente.

Samantala, muling pinaalalahan ng mga pulis ang mga turistang maliligo sa dagat na iwasan ang pagdadala ng mamahaling gamit dahil sa mainit ito sa mata ng mga pagala-galang kawatan sa isla.

No comments:

Post a Comment