Posted May 17, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi paman natatapos ang Kalibo-Numancia bridge ngunit
tiniyak ngayon ni District Engineer Noel Fuentebella ng DPWH-Aklan na magagamit
na ito ngayong taon.
Ito’y sa sandaling matapos na nila ang
pakikipag-negosasyon sa mga land-owners sa nasabing area na apektado ng
construction ng tulay.
Nabatid na ito ang siyang dahilan kung bakit hindi parin
natatapos ang nasabing construction dahil sa mga private property na kalapit
nito.
Ayon pa kay Fuentebella magtutuloy-tuloy na umano ang
pagpapagawa nito kung maialis na ang ilang establisyemto na matatamaan nito.
Ang pagpapatayo ng bagong tulay ay para maibsan ang
trapiko at ang pagkakaroon ng maayos na biyahe ng mga motorista lalo na ang mga
turistang pumupunta sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment