Posted May 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Isa ang probinsya
ng Aklan sa nakapagtala ng tahimik at maayos na halalalan sa buong bansa nitong
Mayo 9, 2016.
Dahil dito pinasalamatan
ni Aklan police director senior superintendent John Mitchell Jamili ang
komunidad sa probinsya, dahil sa suporta ng mga ito upang makamit ang kaayusan
sa nakaraang 2016 National at Local elections sa probinsya.
Sinabi nito na
hindi umano tumigil sa pagbibigay ng suporta ang mga Aklanon sa lahat ng
aktibidad, plano at programa ng APPO para makamit ang peace and order situation
simula noong election period.
Kaugnay nito
inihalimbawa ni Jamili ang patuloy na positibong anti-criminality operation ng
mga kapulisan dahil sa mga report na kanilang natatanggap mula sa publiko.
Samantala,
ikinataba umano ng puso ni Jamili ang ginagawang pag-alalay sa kanya ng mga
taga-Aklan simula ng ito ay maupo sa kanyang pwesto mula sa Ilo-ilo nitong
taon.
No comments:
Post a Comment