Pages

Wednesday, May 18, 2016

MHO pinaghahandaan na ang posibleng sakit ngayong tag-ulan

Posted May 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for sakit sa tag-ulan
Image by. Abante.com
Pinaghahandaan na ng Municipal Health Office (MHO) Malay ang mga sakit na posibleng maranasan ngayong pagpasok ng panahon ng tag-ulan.

Ayon kay MHO Nurse II Arbie Aspiras, ang dengue umano ang siyang pangunahin nilang binibigyan ng prayoridad kung saan ang Malay ang siyang isa sa mga bayan sa Aklan na nakakakuha ng mataas na kaso ng naturang sakit.

Maliban dito pinaalalahan din ni Aspiras ang publiko na mag-ingat sa pagbabasa o paglusong sa tubig baha para maiwasan ang mga sakit na kagaya ng sipon, ubo at lagnat lalo na ang sakit na nagmumula sa ihe ng daga.

Nabatid na mayat-maya na ang nararanasang kalat-kalat na pag-ulan na bumubuhos sa ibat-ibang lugar sa bansa hudyat na papasok na ang panahon ng tag-ulan.

Samantala, pinayuhan pa nito ang publiko na agad magpakunsulta sa Health Center o sa malalapit na pagamutan sa kanilang lugar sakaling makaramdam ng hindi kaaya-aya sa kanilang katawan.

No comments:

Post a Comment