Posted May 16, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pormal ng manunungkulan ang mga bagong set na opisyal ng
gobyerno sa bayan ng Malay sa ngayong Hulyo 1, 2016.
Ito ang sinabi ni SB Secretary Concordia Alcantara, kung
saan sa Hunyo 30 na umano bababa sa pwesto ang mga magtatapos sa kanilang
termino at ang mga hindi pinalad sa nakaraang halalan.
Kaugnay nito magtutuloy-tuloy parin umano ang mga session
ng mga kasalukuyang opisyal hanggang sa Huyo 23 para tapusin ang mga
nakabinbing usapin.
Ayon pa kay Alcantara magkakaroon pa umano ng oath taking
ceremony ang mga bagong set ng opisyal kasabay ng isasagawang pag turn ng
symbolic key.
Ang SB Session ng Malay ay itinatakda tuwing araw ng
Martes na kinabibilangan ng walong SB members, isang Liga President at ang
Vice-mayor na siyang presiding officer.
No comments:
Post a Comment