YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, May 20, 2016

SP Aklan magsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa pagpatalsik sa 11 CAAP personnel

Posted May 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay    

Image result for kia kaliboNakatakdang ipatawag ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang nagsagawa ng  imbestigasyon kaugnay sa anomalyang nangyari sa Kalibo International Airport.

Sa 16th SP Session kahapon, binuksan ang pag-uusap nito ni SP member Rodson Mayor matapos ang pumutok na balita sa pagpapatalsik sa 11 tauhan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa nasabing paliparan na sangkot sa multi million peso scam sa recycled na terminal fee tickets.   

Nabatid na inatasan ni CAAP director general William Hotchkiss III si retired general Rodante Joya, head ng Security and Intelligence Service ng KIA na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa nangyaring anomalya.

Napag-alaman na ilan sa mga natanggal sa trabaho ay ang mga job order personnel, terminal fee collectors, terminal fee inspectors at isang flight data encoder. 
  
Samantala, nagsimula umano ang naturang scam nito lamang buwan ng Enero at Pebrero hanggang sa ito ay nabuking.  

Ang terminal fee para sa domestic flight ay P200 habang ang international flight ay P750.

No comments:

Post a Comment